Read Story My Secret Husband is a Killer

My Secret Husband is a Killer

Author: Toripresseo

Status: Full

Update: 28-10-2022

Read Stories

Blurb
"Asawa kita? Paano tayo nagkakilala? Kailan tayo kinasal? Wait- artista ka ba?"

"Mayaman? Anong pangalan mo? Ilang taon na tayo kasal? Marami bang balloons 'nong kasal natin- ilang months mo ako niligawan?"

Sunod-sunod ang tanong ni Adara habang nakatingin sa gwapong lalaki na nasa harap niya matapos magpakilala itong asawa niya.

Matapos ang isang aksidente nawala lahat ng ala-ala ni Adara. Totally clueless ito ng magising ito sa hospital at napapalibutan siya ng mga hindi kilalang tao.

"Ang dami mong tanong. Basta kasal tayo," ani ni Silver Shawn Blood habang nakatungkod ang siko sa arm rest ng upuan at nakatakip ng bibig gamit ang isang kamay.

Wala siyang amnesia ngunit hindi niya maalala kung kailan sila kinasal, anong tiyura ng kasal, ilang taon silang kasal at kung nanligaw ba siya.

Bakit niya lahat nakalimutan iyon. Tiningnan niya si Adara na ngayon ay gusot ang mukha.

"Liar!" sigaw ni Adara. Sumiksik ito sa headboard ng kama at sinabing hindi siya naniniwala na kasal sila ni Silver.

"Ano kang klaseng asawa kung hindi mo maalala kung kailan kasal natin na dalawa! Isa pa imposible na asawa kita! Mukha kang mayaman tapos gwapo! Isa ka bang sindikato? Nandito ka para ibenta lamang loob ko!"

Napatanga si Silver sa sinabi ni Adara. Biglang napatanong si Adara kung lahat ba ng sindikato ay gwapo katulad niya.

Hindi alam ni Silver ngunit naramdaman ni Silver ang panganib lalo na ang malaking problema.

"Hindi ako maniniwala hangga't walang pruweba at hindi din ako sasama sa iyo."

List Chapter